Quantcast
Channel: LIHIM NA KARUNUNGAN NG DIYOS AT MGA ORASCION NA HANGO SA IBAT IBANG AKLAT
Viewing all 15 articles
Browse latest View live

LIHIM NA PANGALAN NG DIYOS AYON SA BANAL NA KASULATAN

$
0
0
GANITO ANG ATING MABABASA SA BANAL NA KASULATAN SA:

MATEO 12:25

Nang panahon yaon ay sumagot si jesus at sinabi, Akoy nagpapasalamat sa iyo. Oh Ama, Panginoon ng langit at lupa, na iyong inilihim ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino, at ipinahayag mo sa mga sanggol:

MATEO 21:16

At sinabi nila sa kanya, Naririnig mo baga ang sinasabi ng mga ito? At sinabi sa kanila ni jesus, Oo: kailan man baga'y hindi nyo nabasa, Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay inyong nilubos ang pagpupuri?

MGA AWIT 8:1-9

1 Oh Panginoon, aming Panginoon, Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa! Na siyang naglagay ng iyong kaluwalhatian sa mga langit.

2 Mula sa bibig ng ng mga sanggol at mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan, Dahil sa iyong mga kaaway, Upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.

3 Pagka binubulay-bulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri, Ang buwan at mga bituin na iyong inayos;

4 Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?

5 Sapagkat iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios, At pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.

6 Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; Iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kanyang mga paa:

7 Lahat ng tupa at baka,Oo, at ang mga hayop sa parang;

8 Ang mga ibon sa himpapawid, at mga isda sa dagat.

9 Oh Panginoon, aming panginoon, Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!

DIYAN NAPAPALOOB ANG SINASABING LIHIM NA PANGALAN NG DIYOS GAYA NG SINASABI SA:

JUAN 1:1-4

1 Nang pasimula sya ang VERBO, at ang VERBO ay sumasa Dios, at ang VERBO ay Dios.

2 Ito rin ng pasimulay sumasa Dios.

3 Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan nya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala sya.

4 Nasa kanya ang BUHAY; at ang BUHAY ay siyang ilaw ng mga tao.

JUAN 1:9-12

9 Nagkaroon ng tunay na ilaw, sa makatuwid bagay ang ilaw na lumiliwanag sa bawat tao, na pumaparito sa sanglibutan.

10 Siyay nasa sanglibutan, at ang sanglibutay ginawa sa pamamagitan niya, at hindi siya nakilala ng sanglibutan.

11 siyay naparito sa sariling kaniya,at siyay hindi tinanggap ng sariling kaniya.

12 Datapuwat ang lahat ng sa kaniyay nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, samakatuwid bagay ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan.

ANG SINASABING PANGALAN NG DIYOS AT SIYANG DIYOS AY NAKATIRA SA BAWAT TAO NA KUNG INYONG HAHANAPIN AY MATUTUKLASAN NYO SIYA, SAPAGKAT ARAW AT GABI AY KASAMA NATIN SIYA, SAMANTALANG SIYAY BUHAY AY NABUBUHAY DIN NAMAN TAYO.

Article 13

$
0
0

LIHIM NA PANGALAN AT LIHIM NA KARUNUNGAN
NI
MELENCIO T. SABINO

Article 12

$
0
0
CHALECO
INFINITO DEUS, BIRHENG NAGPAPASUSO, TATLONG PERSONA
Ang chaleco na iyan ay sa tatay ko mahilig kasi siya sa mga gamit gaya nito.

MGA TALANDRO MAHAL NA BIRHEN, MAHAL NA BIRHENG NAGPAPASUSO AT CINCO VOCALES

$
0
0

Naalala ko pa ang mga talandrong ito: Ang talandrong ito ay tangan na ng tatay ko mula pa ng bata ako magpasa-hanggang ngayon mga 23 taon na ang nakakalipas.

KARUNUNGAN NG DIYOS

$
0
0
                                            
                                                           
KARUNUNGAN NG DIYOS
NI
MELECIO T. SABINO
Ang aklat na ito ay naglalaman ng kasaysayan ng mundo bago pa ito nabuo, na sinasabi na hindi naiyahayag sa biblia. Dito rin makikita ang mga PANGALAN NG DEUS sa ibat-ibang kalagayan.Naglalaman din ito ng mga orascion sa panggagamutan sa espiritual at natural na sakit na ginagamit ng ating mga kababayan sa kasalukuyang panahon.Ayon sa salit-saling sabi ang author ng aklat na ito na si melencio sabino kung di ako nagkakamali ay founder ng samahang AGNUS DEI na ang ibig sabihin ay KORDERO NG DEUS . Ang sabi ng iba na mahilig din sa karunungang lihim ng kapanahunan ni SABINO siya ay lumalakad sa tubig. Ayon sa pagka-alam ko isa si DEMETRIO O. SIBAL na kaanib dito na siyang author naman ng aklat na AKLAT SECRETO NG KABALISTICO, AKLAT SECRETO NG SANCTI KARMA, 27 KAPANGYARIHAN NG VERDACABALA, 28 KAPANGYARIHAN NG MYSTISISMO, MAHIWAGANG AKLAT OCCULTISMO, LIHIM NA PANGALAN LIHIM NA KARUNUNGAN at marami pang iba.Pasintabi sa mga member ni sabino kung meron pa, ito lang kasi ang nalaman ko ayon sa salit-saling sabi ng mga ALBULARYO at mahilig sa karunungan.





HANGO SA AKLAT NG KARUNUNGAN NG DIYOS NI MELENCIO SABINO


Narito pa ang mga ibang oracion na magagamit sa ibat ibang uri ng sakit at karamdaman,
na sinipi sa ibat ibang kasaysayan at aklat,na kalakip ang mga paliwanag kung paano
ang paggamit at kung saan nauukol gamitin ang nasabing mga oracion.

CRISTAC ORTAC AMININATAC


Itoy sasabihin sa loob o sa sarili, saka ibulong sa malinis na tubig na inumin,
bago ipainom sa may sakit. Ang tubig na matabang kapag nagbago at nag iba ang lasa,
sa halimbaway masaklap,mapait,maalat o matamis kaya para sa may sakit,
samakatuwid ay may ispiritu na hindi mabuti at nakapipinsala o namiminsala.


At upang mapatunayan minsan pa,ay kailangan subukan muli na painumin ng tubig,
At ganito naman ang ibubulong:

HOCMITAC AMINATAC HIPTAC


KUNG ANG UNA AT IKALAWANG PAGSUBOK AY NAGKAISA,ay maaring subukin hanggang
maikatlo upang lalong makilala ang katotohanan. Sa ikatlong pagsubok ay
ganito naman ang ibubulong;

AMPIC MIBEL GAYIM JESUS EXEMENERAU


Ganyan ang dapat gawin pagsubok minsan,makalawa,hanggang maikatlo
at sa ganyang paraan ay hindi namaaring makaila kung tunay na mayroon
o walang karamdaman.

Kung gayon ay maaring sabihin sa masamang ispiritu na umalis at huwag
ng babalik.At sa pagpapaalis ay ganito naman ang sasabihin:


IKAW NA KARUMALDUMAL NA ISPIRITU,AY LUMABAS KA SA MAY SAKIT,
IWAN MO SYA AT UMALIS KA NA.

At saka sabihin sa sarili ang sumusunod bago hipan sa bumbunan ang may sakit,

SUBTIHOY MIDAD INSALIDAD QUILIMIDAD

Kung minsan ay pinasasakit ang ulo, sinisira ang bait, inaalis ang pandinig,
binubulag ang mga mata,
Pinasasakit ang lalamunan, pinalalaki ang dila’ pinapagsusugat ang buong katawan,
pinipilay at linulumpo upang huwag makalakad, pinapanghina ang katawan, inaalisan ng
gana sa pagkain, at kung minsan naman ay pinalalakas ang pagkain ng may-sakit.
Iba’t iba naman ang tawag o pangalan ng mga paraan ng pagbibigay ng sakit ng masasamang
espiritu sa tao. May tinatawag na BABA O SAKAY, KAPIT O SAPI, PALIPAD-HANGIN, PAKAIN at
iba-iba pa.
Ang tinatawag na BABA o SAKAY, ay nakababa sa batok o sa balikat ng may-sakit ang masamang
espiritu. Ang tinatawag na KAPIT o SAPI ay nakakapit o nakasapi ang masamang espiritu sa
katawan ng may sakit. Ang tinatawag na PALIPAD-HANGIN ay sumasama sa hangin, at tumatapat
sa may-sakit na hindi katulad ng BABA o SAKAY.

Kung minsan ay pinapapasok ang masamang hangin sa loob ng katawan, karaniwan ay sa tiyan,
ng may sakit.
Kung minsan ay napapakain o sumasama sa pagkain at iyan ang tinatawag na PAKAIN.

Kung minsan ay ang hanging ipinakakain lamang ng masamang ispritu ang laman ng tiyan.
Iyan ay mapapalabas agad sa pamamagitan ng pagpapasuka o pagpapadighay sa may sakit na paiinumin
ng tubig na binulungan ng mag sumusunod na oracion.

CRISTAC ORTAC AMINATAC HOCMITAC AMINATAC
DUYAAY MILUMIAT HOCBE VIROMIA UBARAM DACACNA

ANO BA ANG KARUNUNGAN GAMIT NG MANGKUKULAM?

$
0
0

Ang gamit ng mangkukulam upang mangkulam kadalasan ay MANIKA at mga ORASYON O KARUNUNGAN LIHIM din na siyang ginagamit ng mga manggagamot, albularyo, antingero at mga mahilig sa karunungan. Dalawa ang paraan ng kanilang pagpapahirap sa biktima kung tawagin ay KULAM at BARANG.


KULAM - Ang KULAM ay kung saan bibigyan ng malubhang sakit o karamdaman ang biktima o kayay pinalalaki ang ari  nito hanggang mauwi sa cancer na siya nitong ikakamamatay. Minsan ay nasaksihan ko ang isang lalaki na malapit lang din dito sa aming lugar na biktima ng kulam na nagpapagamot sa isang kilalang magaling na manggagamot dito sa aming lugar sa laguna. Ang kanyang karamdaman ay di na lumalambot ang kanyang ari at nananatiling matigas. Maaari na ang taong itoy pinakulam ng isa sa mga naging babae nya. Batay sa kanyang salaysay sinabi na siya raw ay babaero, at sa kabila ng kanyang pagiging babaero ay di siya gumamit ng anumang orasyon o karunungan lihim sapagkat siyay walang malay dito, ang gamit lamang niya ay pambobola at ang kanyang gwapong itsura. Tiningnan ng manggagamot ang kanyang hinliliit na daliri at itoy hindi pantay, dun ay napatunayan nga nya na kinulam ang taong iyon.Tinapat lamang ng manggagamot ang kanyang kamay sa ulo biktima at pinainom ng tubig, himalang lumambot ang ari ng lalaki. masayang umuwi ang lalaking nagpagamot, pinayuhan ng manggagamot ang biktima na magdasal sa diyos upang tuluyan na siyang gumaling, subalit ilang araw lamang ay bumalik ang lalaki sa manggagamot dahil may lumalabas na NANA sa kanyang ari. Ang sabi ng manggagamot sa kanya ay wala na siyang magagawa dahil sa nauwi na sa CANCER ang kanyang sakit. Nagpatingin sa doctor ang biktima at ang findings nga ay siya ay may CANCER na. Lumipas lang ang ilang buwan at ang lalaking nagpagamot ay namatay na.

BARANG - Ang BARANG ay kung saan bukod sa binibigyan ng malubhang karamdaman ang kinukulam ay inuutusan nya ang mga hayop o insecto na pumasok sa loob ng katawan ng isang tao o ng kanyang biktima gaya ipis o uod at iba pa. Kapag tulog ang biktima dun nagkakaroon ng pagkakataon makapasok sa loob ng katawan ng tao ang mga hayop o insecto, kadalasan ay sa gabi nagaganap. Nagagawa ng mangkukulam na utusan ang mga hayop o insecto sa pamamagitan debosyon o ritual na kung saan ay orasyon din ang gamit nila. Kadalasan ay namamatay ang kanilang biktima. May nalulunasan din naman kung naaagapan at kung magaling at kumpleto ang kaalaman sa karunungan ng gagamot dito.

Kung mapapansin nyo kapag ginagamot na ng manggagamot ang isang kinulam ay nagkakaroon ng paglalaban. Paglalaban ng orasyon ng mangkukulam at manggagamot, kinulam ng mangkukulam ang kanyang biktima sa pamamagitan ng kanyang orasyon at gagamutin ng manggagamot ang kinulam sa pamamagitan ng kanyang orasyon. Papaano sila nagkakatalo pagdating sa karunungan? kapag kumpleto ang karunungan ng mangkukulam ay di mangyayari na mapagaling ng manggagamot ang biktima. Kung mas mataas at kumpleto ang karunungan ng mangagamot ay mapapagaling nya ang biktima.

HALIMBAWA: Ang gamit ng MANGKUKULAM na orasyon ay MITAM at ang ginamit ng MANGGAGAMOT ay MACMAMITAM ang ibig sabihin ay mananalo at mapapagaling ng mangagamot ang biktima kasi mas kumpleto siya sa letra at karunungan. Kung ang mangkukulam naman ang kumpleto ang karunugan ay di magagawang mapagaling ng manggagamot ang biktima. Ang aking ipinahayag dito at paliwanag ay batay sa aking karanasan at pag-aaral tungkol dito. Marami sa ating mga kababayan ay ang madalas na katunungan nila ay tungkol sa kulam, kung papaano gagamutin at kung ano ang pangontra. Ang mga halimbawa ko dito ay upang maunawaan nyo kung papano nagaganap ang pagkagaling ng isang kinulam. Kung kayo ay may comments o paliwanag pa ukol dito ay isulat po lamang ninyo sa blog na ito.

ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN

$
0
0
Narito ang orasyon:

BUTITAM ------- M. LEBRATUS
----- ----- MARIA -----DOS
LOS ----GROS ---- --- AMEN

Sinadya ko na putulin ang mga salita upang maitago sa mga mapagsamantala na tao at makasarili na walang inisip kundi ang sarili niyang kapakanan. Ang orasyon na ito ay kinuha ko sa aking hipag na ibinigay ng tatay nya bago ito namatay, nung nakaraang ngang april 2010 ay namatay ang aking byenan dahil sa internal bleeding. Nung siyay nabubuhay pa, tuwing mahal na araw o biyernes santo ay nakikita ko siyang bumubunot ng ngipin, gamit ang kanyang hintuturo at panyong puti, babalutin nya ng panyo ang kanyang hintuturo at gagamitin nya sa pagbunot ng sirang ngipin, himalang nabubunot nya ang sirang ngipin ng isang tao na hindi man lang nasaktan, bubulungan nya ang kanyang hintututro na nakabalot ng panyong puti at pagkatapos ay susungkitin nya ang sirang ngipin at kataka-takang nabubunot nga nya ito. dumudugo lamang ng kaunti at Pagkatapos nyon ay pagmumumugin nya ng malinis na tubig na may tatlong piraso ng asin ang kanyang binunutan. Ang sabi ng aking asawa nung siya ay dalaga pa at di ko pa asawa ay nagpabunot daw siya ng 7 ngipin gamit ang bulong lamang sa kamag-anakan nila sa binangonan rizal kung saan doon lumaki at dating ang nakatira ang kanilang ama na siya kong biyenan nga. Sa pitong ngipin na binunot sa kanya ay di man lang siya nasaktan. Marahil ay dun nanggaling ang karunungan ng aking biyenan sa pagbunot ng ngipin.

MAHIWAGANG AKLAT NG KABABALAGHAN

$
0
0
MAHIWAGANG AKLAT NG KABABALAGHAN
NI
DEMETRIO O. SIBAL
Ngayon narito na! ang orihinal at ang katangitanging aklat na kamamalasan ngkarunungang lihim ng KABABALAGHAN na magagawa ng isang tao sa kapakanan ng kanyang sarili, na maligtas sa mga panganib, sa pagkalalaki,walang away, mga panggagayuma sa tao. Ang aklat na ito na pinamagatan kong MAHIWAGANG AKLAT NG KABABALAGHAN ay kaganapan ng isang tao sa kanyang pangkasalukuyan tungo sa isang magandang kinabukasan. Kung paano mo makakamtan ang kapangyarihan ng PAG-IBIG, KALUSUGAN, KALIGAYAHAN AT KATANYAGAN at marami pang iba na matutunghayan at matutunana sa aklat na ito, na kapakipakinabang at punong-puno ng kahiwagaan. Ang mga nilalaman ng aklat na ito ya pawang mga orihinal na salita at totong makapangyarihan.



                      HANGO SA AKLAT NG KABABALAGHAN

Orascion upang di ka maharang ng masasamang loob saan mang lugar.Banggitin mo lamang ito habang ikaw ay naglalakad:


MAGDAM TIRGAM JUADARITA ALAAYA SARADOC GEATAO TIAPALA GEPARATO GEPIPO CHRISTUM PEPUM BISTE BANGE BESTIPO RICAN TARITAS BUM QUESO DEUS PACTENIT MOLAI MALANAY MOLAO PETAT MATAT HARI ANG DADAAN HAWI KAYONG LAHAT. IGSAC IGMAC EGOLHUM PETIGSAC

susi: PENIVICCIUM LUCCIRIS SALVAME


Orascion na pangsuheto sa masamang tangka sa iyo ng kapwa.

Bigkasin mo lamang ito sa kanyang harapan:


MITIM GLADIUM IN BAGINAM MIHI PATER NUN VIVAT ELIUM SOM ROM DUM

susi: MECUBATUM SALVAME

"PAALALA SA MGA MASUGID NA TAGASUBAYBAY NG BLOG NA ITO"

$
0
0
Ang blog na ito ay inihahandog ko sa mga mahilig sa karunungan at bago pa lamang nag-aaral, at sa mga malalayong lugar na nahihirapan pang lumuwas sa manila para lang makabili.Kung gusto nyo naman ng Kumpletong mga librito medalla, at kung anu-ano pa magpunta at bumili kayo sa SALDEM COMMERCIAL ENTERPRISES Anak Bayan Paco Manila. Doon ay wala na kayong hahanapin pa. Yun nga lang baka kakailanganin nyo ng malaking halaga. Ako man ay bumili din.

                   http://saldem-enterprises.blogspot.com
Maraming Salamat po sa inyong suporta, naway huwag po sana tayong maging palalo at mayabang, naway maging masipag tayo sa pagtulong sa ating kapwa at igalang ang kanilang kahinaan.Naway sumaatin lagi ang pagpapala ng mahal na bathahla.

BANAL NA AKLAT NG OCCULTISMO

$
0
0
BANAL NA AKLAT NG OCCULTISMO
NI
DEMETRIO O. SIBAL 

Ang aklat na ito ay napatunayang napakabisa, walang salitang pinutol o inilihim upang malubos ang kapangyarihan. Ito ang mga natatagong kapangyarihan lihim sa panggagamutan sa masamang esprito. HYPNOTISMO sa panggagamutan sa natural na karamdaman at mga iba pang BANAL NA ORASCION na inilihim at di inihayag sa biblia.

HANGO SA BANAL NA AKLAT NG OCCULTISMO

1. ORASCION SA KAHOY NA SINUKUAN.
Ito po ay pampasuko sa taong may malakas na kalooban.

PALIWANAG: Ito po ang ORASCION sa kahoy na sinukuan. Sasambitin po lamang ang pangungusap na ito sa kanyang harapan
upang siyay mapasailalim ng iyong kapangyarihan:


SUKUAN LISOMIYA TALUBLE DEPATA LAMTAM SANITAM KURIAM SUKO HUM at idiin ang kanang paa.
Susi: MITAM FEDERCTUM MARIA JESUS HUM

2. ORASCION WALANG SITA.
ito po ang ORASCION: Ng di ka sisitahin ng inyong mga kaaway saan mang lugar. Banggitin po lamang ninyo ang
orascion ito habang kayo ay papalapit sa lugar ng sitahan o silay papalapit sa inyo.
Ito po ang ORASCION:

CRUCEM SPILLAR SANTA MATILDE JESUS DOMINI JESU CHRISTO IN SALVUM NI FACTUM
ET MESEAS QUE BILABIT LISIT NORITAES HOCSIT

3. Orascion upang mapigil ang apoy sa isang pagkakasunog ay dasalin ang mga sumusunod na orasciones at maliligtas ang bahay
nagdadasal.

ORASCION: APOY NG DEUS, MAWALA ANG IYONG INIT, KATULAD NG PAGKAWALA NG INIT NI JUDAS NG PAGTAKSILAN
NIYA SI JESUS NA PANGINOON SA HALAMANAN NG OLIBAS SATOR AREPO TENET OPERA ROTAS AMEN.

Ngayon upang di na lumipat o dumaiti ang apoy sa inyong bahay ay bigkasin o usalin mo ng buo ang orascion ito sa apat na sulok
ng inyong bahay at isunod mong bigkasin ang pinakasusi.

Naito ang ORASCION:
JUPHAUM HULJHUM SABSITIHIS IPSUB AGLA

Susi: MADMEO ACBIUS ROUDAE SALVAME

4. Orascion ng pagpapahinto ng pamamaga at pagpapahilom ng sugat.

Sambitin o usalin ng tatlong beses ang orascion ito at ihihip sa parting may sugat
o namamaga at siguradong mawawala ang pamamaga at maghihilom ang sugat.

Naito po ang orascion:
SATORA ROBOTA NETABE RATOTTA ESE

Susi: LIATMOR IMPARI CHRISTE ANIMIMA MARIA SANTISIMA SALVAME.

5. Orascion ng pagpapalakas ng memorya ng isang tao. Ang pagganap: Sasambitin po ninyo ang orascion ito bago ka matulog.

Naito po ang orascio:
PAX DOMINE NOSTRI ANGELI DOMINE DOMINE DOMINE PERSICOT DEUS SIMPETERNI OMNIPOTENTE GRIGO VATA JESUS OJERI NUCHUM SALVAME EGO VERBUM CHRISTUM PACTUM ANG ISIP KOY NAPAKATALAS, MABUTI AKONG UMALALA, MADALI AKONG MAGSAULO AUM.

ANG MAHIWAGANG AKLAT NG ORACULUM

$
0
0
ANG MAHIWAGANG AKLAT NG ORACULUM
NI
 DEMETRIO O. SIBAL
Ang akalat  na ito ay naglalaman ng magiging kapalaran o hantungan ng isang tao sa kanyang pangkasalukuyan, panghinaharap? Sa pamamagitan pa rin ng aklat na ito ay malalaman parin ninyo ang mga sumusunod: Mga anunsiyo sa panaginip, Kahulugan ng mga nunal, Kapangyarihan sa pag-unlad sa pasimula ng pagpapatayo ng mga negosyo, Katangian at kapintasan ng isang tao at kaalamanparin sa pagtunton ng mga nawawalang bagay.


HANGO SAMAHIWAGANG AKLAT NG ORACULUM
1. Pagkilala ng kapalaran o hantungan ng isang tao sa pamamagitan ng NUMEROS MAHIKOS at 22 ARKANO. Ang ibig sabihin ng ARKANO ay isang kalihimang tago na may kimkim na iniyu-ulat sa kabuhayan at hantungan ngmga tao.

NARITO ANG MGA KATITIKAN NG GULONG NI PINTAGOS (NUMEROS MAHIKOS)

          A-1     G-10         M-19      S -20   
          B-2      H-28        N-26       T -6    
          C-4      I-15         O-28       U - 9      
          D-5      J-15         P-77       V- 9     
          E-3      K-16        Q-27      W -12 
          F-8      L-21         R-11       Y-50     Z-70

At narito naman ang 22 ARKANO ng aklat ni thot at ng kanyang pangalan at kahulugan:
                    
1. ALEF- Kasanayan,katusuhan,diplomasya.
2. BETH- Mga kalihiman,kahiwagaan.
3. SHIMEL- Pagpaparami,pagtubo,kasariwaan,katalinihan.
4. DALETH- Kapangyarihan,kalagayang matatag.
5. HE- Karunungan,pagdidiwa,mapaglikha.
6. VAU- Pag-ibig,kagandahan,mapang-akit.
7. ZAIN- Abulo,tulong ng langit.
8. HETH- Katarungan,pagtatapat.
9. TETH- Kabaitan, pananampalataya.
10. JUD- Gulong ng palad,hantungan.
11. CAF- Lakas ng diwa,masigla,mapaggawa.
12. LAMED- Pagtalima,gawa,paghihirap.
13. MEM- Pagkamatay,pagkasira,pagkawala.
14. NON- Pagpapalit,pagkakapihitpihit.
15. SAMECH- Di masayod na kalakasan.
16. HAIN- Pagkalubog,biglang kapamahakan.
17. PE- Ang langit,kapalaran,pag-asa.
18. TSADE- Ang tubig,kadiliman,pangingilabot.
19. CAF- Kaliwanagan,apoy,pagpapakilala.
20. RESH- Kaguluhan,balita,kaingayan.
21. SNHIN- Magulong pag-iisip kaululan,himdi timbang.
22. TAU- Katutuhan,kaganapan,lahat kay bathala.

PALIWANAG: Ang ngalang jose rizal ay may 9 na letra o katitikan, kung hahalagan ng mga sinasabi ng mga ARKANO ay makikita natin sa kabilangan ng 9 itong sumusunod:

TETH- Kabaitan,Pananampalataya o religion. Ang ibg sabihin ay siyay mabait sa buong kabuhayan, ngunit siyay mapapalungi sa pananampalataya o religon. Ating pong ganapin ang pagtarok ng kalihimang ito.

HALIMBAWA kay JOSE RIZAL

   J-15                        R -11
   O-8                         I  -15
   S-20                       Z  -70
 E-3                         A  -1
 TOTAL=46              L -21
                                           TOTAL=118
Kung pagtitipunin nating sumahin ang dalawang kabuoang ito ay lumalabas na 164 ay malaki ang bilang sa 22 arkano ni thot ay dapat na gawin ang ganito:
164=1+6+4=11. Ang nuerong 11 ay matutunghayan na sa 22 arkano ni thot at ang nagsasaad ay ganito:
CAF- Lakas ng diwa, masigla, mapaggawa. Ang kinalalabasan nito ay nangangahulugan na si jose rizal ay may malakas na diwa,Sagisag ng mga marurunong.ng mga manunubos,likas na masigla sa ano mang isipin at mapaggawa sa maraming bagay na kanyang ikatatanghal o ikakapahamak.


2. Mga panghuhula sa kabuhayan o kalagayan ng iyong kasintahan o pagtunton sa mga nawawalang kasangkapan, pag-uusig sa mga magnanakaw o kaya huwag makalayo ang isang kriminal sa pagtakas sa bilangguan. Pagkagawa ninyo ng mataimtim na pagtitipon o pagsupil o pagpigil ng pag-iisip ng walang ligalig ay ipikit ang mga mata, kumuha ng isa o dalawang hibla ng buhok ng binibining inyong iniibig o isang panyo ng nobyo o isang bagay na gamit o kasangkapan ng taong ibig ninyong malaman ang kanyang naging kabuhayan o kalagayan kung kayoy malayo sa kanya o kung ibig ninyong kayoy makita ay idaiti sa inyong noo ng mahigpit sa pagpigil ng dalawang kamay at makikita ninyo na sa kaparaanang ito ay kayoy mananagumpay. Ang hibla ng buhok na nabanggit dito ay higpitang mabuti ang pagkakadaiti sa pamamagitan ng panyo- hanggang sa lumarawan ang anumang hinihintay na ibig ipagwagi.

PAUNAWA: Itoy mangyayari lamang kung kayoy may sapat na lakas ng kalooban at lakas ng kapangyarihan ng pag-iisip o power na matututuhan ninyo sa MAHIWAGANG AKLAT NG KABABALAGHAN.


3. Karunungan sa pagkilala ng kapalaran o kapahamakan sa pamamagitan ng taling o nunal kung masama ang kahulugan ay mapaglalabanan o mapag-iingatan. Tunghayan po natin ang mga sumusunod:

a.TALING SA LIKOD Ang taling sa kanang likod ng lalaki ay nangangahulugan ng kapamahakan at pakikitalad, at kung sa babae naman ay pagdadaralita at hirap ng panganganak.

b.TALING SA PANGANG KALIWA ay tanda ng kasaganaan o palaanakin.

c.TALING SA LABING ITAAS ay tanda ng kaginhawaan sa pag-aasawa.

d.TALING SA GITNA NG DIB DIB ay tanda ng pagkamalulugdin, matapatin, lakas at katapangan sa pagtuklas ng karangalan.

e.TALING SA MAY PUSOD NG BABAE ay tanda ng pagkakaroon ng maraming anak, at sa lalaki naman ay kasiglahan.
itutuloy..........

AKLAT SECRETO NG KABALISTICO

$
0
0
AKLAT SECRETO NG KABALISTICO
NI
DEMETRIO O. SIBAL
Unang pahina ng aklat:
Ngayon sa kauna-unahang pagkakataon ay naririto na ang pambihirang AKLAT SECRETO KABALISTICO. Ang kapangyarihan sa KABAL AT KUNAT na magagawa ng tao sa
kapakanan ng kanyang sarili na mailigtas sa mga PANGANIB , SA PAGKALALAKI tungo sa kanyang katanyagan. Ang aklat na ito ay lubhang makapangyarihan. Ang sinomang nagnanais ng ganitong kapangyarihan ay makakaasa na magkaroon ng KABAL AT KUNAT sa katawan upang hindi tablan ng bala ng baril o patalim sa loob ng 24 oras at sundin lamang ang mga alituntunin o pamamaraan na dapat gawin ay hindi kayo mabibigo at iyan ay matutupad, at narito pa rin sa aklat na ito ang PAGKOCONSAGRA sa mga gamit (sa Tao, Medalya, Talisman, Rebulto, Librito, at Chaleco.) Ang kabibilin-bilinan ko lamang sa mga taong mag-iingat sa karunungang ito ay dapat tuparin ang pagkahinahon, igalang ang kahinaan ng kapwa at huwag gagamitin sa kasamaan, Sapagkat kapag itoy inyong ginamit sa kasamaan ay may hangganan o katapusan.



HANGO SA AKLAT NG KABALASTICO

Panalangin sa SAGRADA PAMILIA O TATLONG PERSONAS:

JESUS DOMINO NINO JESUS QUEM TEMBLA EL NINO, JESUS MARIA Y JOSEPNET VERBUM ACTUMES ET HAVIT AVIT ABIT HINOBIS ANGELORUM DOMINO AVE VERITAS NUTIS PULISTAS SABUTOLARO BILILA LENISTE NAZARENUM ATAMIA MITAM NADURIGNUM CABIBINIO CABILIGNUM TISDE SAPITISEM SUBSUM SANCTUM.


Panalangin at pagbati sa ANGEL DE LA GUARDIA:

ANGEL NG DIOS, TAGATANOD KONG MAHAL, NA ANG PANGINOON SA IYO AKOY HINABILIN, SUMAPILING KANG LAGI, ANGEL NA BANAL, AKOY TANGLAWAN, INGATAN, PAMAHALAAN AT AKAYIN, IN CONSPECTUS ANGELORUM PSALM TIBI DEUS MEUS ADORABLE  AL TEMPLUM SANCTUM TUUM ET CONFITEBUR NOMINI TUO MACMAMITAM SALSEDAS LUMPACAS PEREIT AVOBIS CAPACSAC COPNUM PANAPTAM SABAB PAAP SARAS MOMOMOM.

KABAL AT KUNAT SA KATAWAN NA 24 ORAS
















 

























CIRCULO NG KABAL AT KUNAT
  
  


FIG.1
  
FIG. 2
  
 
 FIG.3


                                                                           FIG.4

FIG.5

FIG. 6

FIG.7



27 KAPANGYARIHAN NG VERDACABALA

$
0
0


27 KAPANGYARIHAN NG VERDACABALA
NI
DEMETRIO O. SIBAL

Ang aklat na ito ay naglalaman upang di ka manakawan o malooban nino man, kapangyarihan upang PAPAGHIWALAYIN ang magkalaguyo, Kapangyarihan sa PAG-IBIG, kapangyarihan ng SATOR sa BILIS at LIKSI, kapangyarihan upang MAGKASUNDO ang mag-asawa o ng magkasintahan at marami pang-iba na matutunghayan sa aklat na ito na punong puno ng kahiwagaan. 


HANGO SA 27 KAPANGYARIHAN NG VERDACABALA

Kapangyarihan upang magkasundo at mag-ibigan ang mag-asawa. Bigkasin po lamang ninyo sa tuwi-tuwina
ang ORASCION na nasa ibaba nito sa harapan ng inyong asawa at sigurado po kayo ay kanyang mamahalin.

ORASCION:
FORNEUS tayoy magkakasundo,
FUR FUR akoy iyong mamahalin
TIRINTORIAN CALIHILO HAMIDA


2.ORASCION para maghiwalay ang nagmamahalan o ang magkalaguyo.

Limang kutsara ng tubig na ihalo sa bawat pag-inom ng sofdrinks, kape, sopas, beer o anumang inumin.

Paunawa: Bigkasin o usalin ang pangalan at apelyido at ang orascion na nasa ibaba nito at ihihp sa bawat painom na iyong gagawin sa mga taong nagmamahalan o nagsasama.

Naito po ang Orascion:
MISERERE MIHI HACHOC MEUM KAD KAYOY HINDI NA MAGKAKASUNDO AT TULUYAN NA KAYONG MAGKAKAHIWALAY.

3. Kapangyarihan sa PAG-IBIG sa abot po ng iyong tanaw sa iyong nililigawan ay titigan mo siya ng ubos diin at saka usalin ng tatlong beses sa iyong isipan ang orascion ito at siguradong hindi mapapalagay ang iyong minamahal habang hindi kayo nagkikita o nagkakausap na dalawa.

Naito po ang orascion:
IN NOMINE PATRI ET FILI ET ESPRITU SANCTI at banggitin ang pangalan ng sinisinta mo o ng iyong minamahal,
HINDI KA MAPAPALAGAY HANGGAT HINDI TAYO NAGKAKAUSAP NA DALAWA JESUS DIOSTI DOMINE AGNUS DEI JESUS DOMINO INRI EDEUS GEDEUS DEDEUS DEUS DEUS DEUS EGUSUM GAVINIT DEUS MAGSIAS BULHUM
























































AKLAT SECRETO NG SANCTI KARMA

$
0
0


AKLAT SECRETO NG SANCTI KARMA
NI
DEMETRIO O. SIBAL

Ang aklat na ito ay kinapapalooban ng karunungang lihim tungkol sa PANGGAGAMUTAN sa mga taong kinukulam o gawa ng mga masamang espirito, KALIGTASAN sa mga panganib at hindi kayo dapuan o kapitan ng anomang karamdaman, PAGMAMALIKMATA pamamagitan ng pagbabago ng inyong anyo, PAGPAPALUBAG LOOB, WALANG GUTOM, para PADIKITIKIN sa bangko o silya ang isang taong nakukulam, PAMAKO sa masamang espirito at marami pang iba na matutungyan po lamang ninyo sa aklat na ito.


HANGO SA AKLAT SECRETO NG SANCTI KARMA


Kung kayo po ay susugurin ng taong kinukulam para kayo ay saktan banggitin po lamang ninyo ang oraciong ito at ihihip sa kanya ay siguradong hindi siya makakaalis sa kanyang pagkakatayo.

Naito po ang Orascion:

CAPIPIS SOLDALA CAMPISPIP-PO
susi: CALAHOS CHOBITROS


Ang sampung ngalan ng diyos na sang-ayon kay moses na kapag sinulat sa papel o inukit sa medalya ay nagbibigay ng MAGANDANG SUERTE O KAPALARAN.

Naito po ang sampung ngalan ng diyos:

EL, ELOHA, ELOHIM, JEVE, SABAOTH, SHADAY, JAH, EHIEH, ADONAY, JEHOVAH

Naito po ang mga salitang kinasisilawan ng masasamang espirito o lamang lupa.Kung ang isang tao ay kinukulam ay banggitin po lamang ang mga salitang ito sa kanyang harapan at sigurado po na ang taong ito ay takot na takot at silaw na silaw sa taglay mong kapangyarihan.

Naito po ang ORASCION:
LEISACLEIGUR LEITUR CHRISTUM EGOSUM PACTUMDOMINUMNOSTRUM


ORASCION na pamako sa masamang espirito. Kung ang isang taong kinukulam lumlaban at nais mong ipakoang kanyang mga kamay at paa saan mang sulok ng kanilang tahanan ay banggitin po lamang ninyo ang orascion na nasa ibaba nito at ihihip sa inyong daliri na sabay lapat ng kamay sa ding ding ng taong kinukulam ay para siyang ipinako sa krus.

Naito po ang orascion:
IGSAC PERDIMIT EGOLHUM PINACUAN PHU


Orascion ni san cristobal ng maligtas sa lahat ng kapanganiban, salot, bagyo, sunog at mga iba pa.

DEUS KO, IPAGKALOOB MO SA TANANG NAPAPATANGKILIK SA IYO NA KAMIY ILIGTAS SA MGA SALOT, LINDOL, AT PAGKAKASUNOG. TANGKILIKIN MO PO KAMI DEUS KO. DEUS KO HABANG NABUBUHAY AKO AY ILIGTAS SA MGA KAPAMAHAKAN NA MANGGAGALING SA INYONG KAPANGYARIHAN. AMEN VEHUIAH JELIEL SITAEL ELEMIAH MAHASIAH SELAHELJEHOVA SALVAME.
















NEW MYSTERIOUS AND CHEMICAL MAGICS


Viewing all 15 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>