Ang gamit ng mangkukulam upang mangkulam kadalasan ay MANIKA at mga ORASYON O KARUNUNGAN LIHIM din na siyang ginagamit ng mga manggagamot, albularyo, antingero at mga mahilig sa karunungan. Dalawa ang paraan ng kanilang pagpapahirap sa biktima kung tawagin ay KULAM at BARANG.
KULAM - Ang KULAM ay kung saan bibigyan ng malubhang sakit o karamdaman ang biktima o kayay pinalalaki ang ari nito hanggang mauwi sa cancer na siya nitong ikakamamatay. Minsan ay nasaksihan ko ang isang lalaki na malapit lang din dito sa aming lugar na biktima ng kulam na nagpapagamot sa isang kilalang magaling na manggagamot dito sa aming lugar sa laguna. Ang kanyang karamdaman ay di na lumalambot ang kanyang ari at nananatiling matigas. Maaari na ang taong itoy pinakulam ng isa sa mga naging babae nya. Batay sa kanyang salaysay sinabi na siya raw ay babaero, at sa kabila ng kanyang pagiging babaero ay di siya gumamit ng anumang orasyon o karunungan lihim sapagkat siyay walang malay dito, ang gamit lamang niya ay pambobola at ang kanyang gwapong itsura. Tiningnan ng manggagamot ang kanyang hinliliit na daliri at itoy hindi pantay, dun ay napatunayan nga nya na kinulam ang taong iyon.Tinapat lamang ng manggagamot ang kanyang kamay sa ulo biktima at pinainom ng tubig, himalang lumambot ang ari ng lalaki. masayang umuwi ang lalaking nagpagamot, pinayuhan ng manggagamot ang biktima na magdasal sa diyos upang tuluyan na siyang gumaling, subalit ilang araw lamang ay bumalik ang lalaki sa manggagamot dahil may lumalabas na NANA sa kanyang ari. Ang sabi ng manggagamot sa kanya ay wala na siyang magagawa dahil sa nauwi na sa CANCER ang kanyang sakit. Nagpatingin sa doctor ang biktima at ang findings nga ay siya ay may CANCER na. Lumipas lang ang ilang buwan at ang lalaking nagpagamot ay namatay na.
BARANG - Ang BARANG ay kung saan bukod sa binibigyan ng malubhang karamdaman ang kinukulam ay inuutusan nya ang mga hayop o insecto na pumasok sa loob ng katawan ng isang tao o ng kanyang biktima gaya ipis o uod at iba pa. Kapag tulog ang biktima dun nagkakaroon ng pagkakataon makapasok sa loob ng katawan ng tao ang mga hayop o insecto, kadalasan ay sa gabi nagaganap. Nagagawa ng mangkukulam na utusan ang mga hayop o insecto sa pamamagitan debosyon o ritual na kung saan ay orasyon din ang gamit nila. Kadalasan ay namamatay ang kanilang biktima. May nalulunasan din naman kung naaagapan at kung magaling at kumpleto ang kaalaman sa karunungan ng gagamot dito.
Kung mapapansin nyo kapag ginagamot na ng manggagamot ang isang kinulam ay nagkakaroon ng paglalaban. Paglalaban ng orasyon ng mangkukulam at manggagamot, kinulam ng mangkukulam ang kanyang biktima sa pamamagitan ng kanyang orasyon at gagamutin ng manggagamot ang kinulam sa pamamagitan ng kanyang orasyon. Papaano sila nagkakatalo pagdating sa karunungan? kapag kumpleto ang karunungan ng mangkukulam ay di mangyayari na mapagaling ng manggagamot ang biktima. Kung mas mataas at kumpleto ang karunungan ng mangagamot ay mapapagaling nya ang biktima.
HALIMBAWA: Ang gamit ng MANGKUKULAM na orasyon ay MITAM at ang ginamit ng MANGGAGAMOT ay MACMAMITAM ang ibig sabihin ay mananalo at mapapagaling ng mangagamot ang biktima kasi mas kumpleto siya sa letra at karunungan. Kung ang mangkukulam naman ang kumpleto ang karunugan ay di magagawang mapagaling ng manggagamot ang biktima. Ang aking ipinahayag dito at paliwanag ay batay sa aking karanasan at pag-aaral tungkol dito. Marami sa ating mga kababayan ay ang madalas na katunungan nila ay tungkol sa kulam, kung papaano gagamutin at kung ano ang pangontra. Ang mga halimbawa ko dito ay upang maunawaan nyo kung papano nagaganap ang pagkagaling ng isang kinulam. Kung kayo ay may comments o paliwanag pa ukol dito ay isulat po lamang ninyo sa blog na ito.