AKLAT SECRETO NG SANCTI KARMA
NI
DEMETRIO O. SIBAL
Ang aklat na ito ay kinapapalooban ng karunungang lihim tungkol sa PANGGAGAMUTAN sa mga taong kinukulam o gawa ng mga masamang espirito, KALIGTASAN sa mga panganib at hindi kayo dapuan o kapitan ng anomang karamdaman, PAGMAMALIKMATA pamamagitan ng pagbabago ng inyong anyo, PAGPAPALUBAG LOOB, WALANG GUTOM, para PADIKITIKIN sa bangko o silya ang isang taong nakukulam, PAMAKO sa masamang espirito at marami pang iba na matutungyan po lamang ninyo sa aklat na ito.
HANGO SA AKLAT SECRETO NG SANCTI KARMA
Kung kayo po ay susugurin ng taong kinukulam para kayo ay saktan banggitin po lamang ninyo ang oraciong ito at ihihip sa kanya ay siguradong hindi siya makakaalis sa kanyang pagkakatayo.
Naito po ang Orascion:
CAPIPIS SOLDALA CAMPISPIP-PO
susi: CALAHOS CHOBITROS
Ang sampung ngalan ng diyos na sang-ayon kay moses na kapag sinulat sa papel o inukit sa medalya ay nagbibigay ng MAGANDANG SUERTE O KAPALARAN.
Naito po ang sampung ngalan ng diyos:
EL, ELOHA, ELOHIM, JEVE, SABAOTH, SHADAY, JAH, EHIEH, ADONAY, JEHOVAH
Naito po ang mga salitang kinasisilawan ng masasamang espirito o lamang lupa.Kung ang isang tao ay kinukulam ay banggitin po lamang ang mga salitang ito sa kanyang harapan at sigurado po na ang taong ito ay takot na takot at silaw na silaw sa taglay mong kapangyarihan.
Naito po ang ORASCION:
LEISACLEIGUR LEITUR CHRISTUM EGOSUM PACTUMDOMINUMNOSTRUM
ORASCION na pamako sa masamang espirito. Kung ang isang taong kinukulam lumlaban at nais mong ipakoang kanyang mga kamay at paa saan mang sulok ng kanilang tahanan ay banggitin po lamang ninyo ang orascion na nasa ibaba nito at ihihip sa inyong daliri na sabay lapat ng kamay sa ding ding ng taong kinukulam ay para siyang ipinako sa krus.
Naito po ang orascion:
IGSAC PERDIMIT EGOLHUM PINACUAN PHU
Orascion ni san cristobal ng maligtas sa lahat ng kapanganiban, salot, bagyo, sunog at mga iba pa.
DEUS KO, IPAGKALOOB MO SA TANANG NAPAPATANGKILIK SA IYO NA KAMIY ILIGTAS SA MGA SALOT, LINDOL, AT PAGKAKASUNOG. TANGKILIKIN MO PO KAMI DEUS KO. DEUS KO HABANG NABUBUHAY AKO AY ILIGTAS SA MGA KAPAMAHAKAN NA MANGGAGALING SA INYONG KAPANGYARIHAN. AMEN VEHUIAH JELIEL SITAEL ELEMIAH MAHASIAH SELAHELJEHOVA SALVAME.