Quantcast
Channel: LIHIM NA KARUNUNGAN NG DIYOS AT MGA ORASCION NA HANGO SA IBAT IBANG AKLAT
Viewing all articles
Browse latest Browse all 15

ANG MAHIWAGANG AKLAT NG ORACULUM

$
0
0
ANG MAHIWAGANG AKLAT NG ORACULUM
NI
 DEMETRIO O. SIBAL
Ang akalat  na ito ay naglalaman ng magiging kapalaran o hantungan ng isang tao sa kanyang pangkasalukuyan, panghinaharap? Sa pamamagitan pa rin ng aklat na ito ay malalaman parin ninyo ang mga sumusunod: Mga anunsiyo sa panaginip, Kahulugan ng mga nunal, Kapangyarihan sa pag-unlad sa pasimula ng pagpapatayo ng mga negosyo, Katangian at kapintasan ng isang tao at kaalamanparin sa pagtunton ng mga nawawalang bagay.


HANGO SAMAHIWAGANG AKLAT NG ORACULUM
1. Pagkilala ng kapalaran o hantungan ng isang tao sa pamamagitan ng NUMEROS MAHIKOS at 22 ARKANO. Ang ibig sabihin ng ARKANO ay isang kalihimang tago na may kimkim na iniyu-ulat sa kabuhayan at hantungan ngmga tao.

NARITO ANG MGA KATITIKAN NG GULONG NI PINTAGOS (NUMEROS MAHIKOS)

          A-1     G-10         M-19      S -20   
          B-2      H-28        N-26       T -6    
          C-4      I-15         O-28       U - 9      
          D-5      J-15         P-77       V- 9     
          E-3      K-16        Q-27      W -12 
          F-8      L-21         R-11       Y-50     Z-70

At narito naman ang 22 ARKANO ng aklat ni thot at ng kanyang pangalan at kahulugan:
                    
1. ALEF- Kasanayan,katusuhan,diplomasya.
2. BETH- Mga kalihiman,kahiwagaan.
3. SHIMEL- Pagpaparami,pagtubo,kasariwaan,katalinihan.
4. DALETH- Kapangyarihan,kalagayang matatag.
5. HE- Karunungan,pagdidiwa,mapaglikha.
6. VAU- Pag-ibig,kagandahan,mapang-akit.
7. ZAIN- Abulo,tulong ng langit.
8. HETH- Katarungan,pagtatapat.
9. TETH- Kabaitan, pananampalataya.
10. JUD- Gulong ng palad,hantungan.
11. CAF- Lakas ng diwa,masigla,mapaggawa.
12. LAMED- Pagtalima,gawa,paghihirap.
13. MEM- Pagkamatay,pagkasira,pagkawala.
14. NON- Pagpapalit,pagkakapihitpihit.
15. SAMECH- Di masayod na kalakasan.
16. HAIN- Pagkalubog,biglang kapamahakan.
17. PE- Ang langit,kapalaran,pag-asa.
18. TSADE- Ang tubig,kadiliman,pangingilabot.
19. CAF- Kaliwanagan,apoy,pagpapakilala.
20. RESH- Kaguluhan,balita,kaingayan.
21. SNHIN- Magulong pag-iisip kaululan,himdi timbang.
22. TAU- Katutuhan,kaganapan,lahat kay bathala.

PALIWANAG: Ang ngalang jose rizal ay may 9 na letra o katitikan, kung hahalagan ng mga sinasabi ng mga ARKANO ay makikita natin sa kabilangan ng 9 itong sumusunod:

TETH- Kabaitan,Pananampalataya o religion. Ang ibg sabihin ay siyay mabait sa buong kabuhayan, ngunit siyay mapapalungi sa pananampalataya o religon. Ating pong ganapin ang pagtarok ng kalihimang ito.

HALIMBAWA kay JOSE RIZAL

   J-15                        R -11
   O-8                         I  -15
   S-20                       Z  -70
 E-3                         A  -1
 TOTAL=46              L -21
                                           TOTAL=118
Kung pagtitipunin nating sumahin ang dalawang kabuoang ito ay lumalabas na 164 ay malaki ang bilang sa 22 arkano ni thot ay dapat na gawin ang ganito:
164=1+6+4=11. Ang nuerong 11 ay matutunghayan na sa 22 arkano ni thot at ang nagsasaad ay ganito:
CAF- Lakas ng diwa, masigla, mapaggawa. Ang kinalalabasan nito ay nangangahulugan na si jose rizal ay may malakas na diwa,Sagisag ng mga marurunong.ng mga manunubos,likas na masigla sa ano mang isipin at mapaggawa sa maraming bagay na kanyang ikatatanghal o ikakapahamak.


2. Mga panghuhula sa kabuhayan o kalagayan ng iyong kasintahan o pagtunton sa mga nawawalang kasangkapan, pag-uusig sa mga magnanakaw o kaya huwag makalayo ang isang kriminal sa pagtakas sa bilangguan. Pagkagawa ninyo ng mataimtim na pagtitipon o pagsupil o pagpigil ng pag-iisip ng walang ligalig ay ipikit ang mga mata, kumuha ng isa o dalawang hibla ng buhok ng binibining inyong iniibig o isang panyo ng nobyo o isang bagay na gamit o kasangkapan ng taong ibig ninyong malaman ang kanyang naging kabuhayan o kalagayan kung kayoy malayo sa kanya o kung ibig ninyong kayoy makita ay idaiti sa inyong noo ng mahigpit sa pagpigil ng dalawang kamay at makikita ninyo na sa kaparaanang ito ay kayoy mananagumpay. Ang hibla ng buhok na nabanggit dito ay higpitang mabuti ang pagkakadaiti sa pamamagitan ng panyo- hanggang sa lumarawan ang anumang hinihintay na ibig ipagwagi.

PAUNAWA: Itoy mangyayari lamang kung kayoy may sapat na lakas ng kalooban at lakas ng kapangyarihan ng pag-iisip o power na matututuhan ninyo sa MAHIWAGANG AKLAT NG KABABALAGHAN.


3. Karunungan sa pagkilala ng kapalaran o kapahamakan sa pamamagitan ng taling o nunal kung masama ang kahulugan ay mapaglalabanan o mapag-iingatan. Tunghayan po natin ang mga sumusunod:

a.TALING SA LIKOD Ang taling sa kanang likod ng lalaki ay nangangahulugan ng kapamahakan at pakikitalad, at kung sa babae naman ay pagdadaralita at hirap ng panganganak.

b.TALING SA PANGANG KALIWA ay tanda ng kasaganaan o palaanakin.

c.TALING SA LABING ITAAS ay tanda ng kaginhawaan sa pag-aasawa.

d.TALING SA GITNA NG DIB DIB ay tanda ng pagkamalulugdin, matapatin, lakas at katapangan sa pagtuklas ng karangalan.

e.TALING SA MAY PUSOD NG BABAE ay tanda ng pagkakaroon ng maraming anak, at sa lalaki naman ay kasiglahan.
itutuloy..........

Viewing all articles
Browse latest Browse all 15

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>